Friday, September 26, 2025

MASARAP AT MASAKIT NA ALAALA

Bawat text mo na I love you, hindi ko na nararamdaman,

Hindi ako sumagot, dahil ayokong yaring puso'y masasaktan

Ako'y nagtaka bakit magawa mo pang ako'y pagdududahan,

Na ang sarap ng usapan natin sa ilang oras na nagdaan.


Sa pagmamahal ko sayo'y alam kong hindi ako nagkukulang,

Ngunit ang pagmamahal na ito'y hindi mo napahalagahan,

Alam kong ang pag-iibigan nati'y, walang patutunguhan,

Ako'y napaisip na tutukan ko na lg ang sarili kong kapakanan.


Matanda na ako para'ng hapdi at sakit

akin pa ring yakapin,

Gusto kong maging masaya ang buhay ko at walang linilihim,

Ipagkakaloob ko na lg sa Maykapal ang bawat buhay natin,

Namnamin ko ang liwanag at iwanan ang aninong makulimlim.


Wala akong pagsisisi sa ating pinagsalohang mga  taon,

At ikaw'y lubos kong minahal sa napakatagal na panahon,

Saan man patungo ang buhay ko, saan man ito'y lalaon,

Ang masarap at masakit na alaala natin, ay lagi kong baon.


No comments:

Post a Comment